Ano ang pagbabago sa klima at ano and implikasyon nito?
Ang climate change ay ang signipikanteng pagbabago sa klima sa buong daigdig o sa mga rehiyon sa daigdig na naoobserbahan sa loob ng ilang dekada o milyong taon, batay sa mga karaniwang panunukat nito tulad ng temperatura at pag-uulan.
Ang climate change ay maaaring dulot ng mga natural na salik o ng mga aktibidad o prosesong likha ng tao.
Pagbabago ng klima at ang greenhouse effect
Ang greenhouse gases o GHG ay ang mga gas sa atmospera na nagbubunga ng Greenhouse Effect. Ang Greenhouse Effect ay ang penomenon kung saan ang sikat ng araw na tumatama sa daigdig at kadalasang bumabalik sa kalawakan ay nakukulong sa troposphere na siyang nagdudulot ng pag-init ng daigdig.
Ayon sa IPCC, tunay na umiinit ang klima at mapapatunayan ito ng pagtaas ng temperatura ng hangin at karagatan, laganap na pagkatunaw ng niyebe at yelo, at pagtaas ng lebel ng tubig dagat sa buong mundo.
Ang pagtaas na ito ng temperatura ay nagaganap ngayon sa mabilis na antas sa nakalipas na mga taon.
Sea Level Rise Mashup - vary the amount of sea level rise and zoom-in to see flooded areas and new coastlines.
Climate Change (Hongkong Observatory)
COST Action 734
Climate One-Stop